Tsek o Ekis, Ano sa Palagay Mo?

Tsek o Ekis, Ano sa Palagay Mo? Marami ang isyung moral tungkol sa buhay. Pero, ano ba ang ibig sabihin ng salitang isyu? Marahil ang pagkakaunawa ng iba sa salitang “isyu” ay isang usapin o “tsismis” na wala namang katotohanan. Sa isang aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng Baitang 10, ang salitang isyu ay nangangahulugang isang mahalagang katanungan na may higit sa isang magkakasalungat na kasagutan. Parang pagkakaiba sa opinyon at paniniwala. Ilan sa mga isyung moral tungkol sa buhay ay pagpapatiwakal, paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pakikipagtalik bago ang kasal, alkoholismo, at euthanasia. Sa mga isyung iyan, nais kong talakayin ang tungkol sa euthanasia. Euthanasia? Ano ba yun? Playing God, Mercy Killing, Assisted Suicide, o pagkitil sa buhay ng isang taong may malubhang karamdaman at wala ng lunas. Sa ganitong gawain, pinapadali ang buhay ng isang tao para “daw” hindi na ito mahirapan. Matitigil na ang paghihirap ng tao sa pakikipaglaban sa kanyang sakit. Hindi na rin...