Tsek o Ekis, Ano sa Palagay Mo?
Tsek o Ekis, Ano sa Palagay Mo?
Marami ang isyung moral tungkol sa buhay. Pero, ano ba ang ibig sabihin ng salitang isyu? Marahil ang pagkakaunawa ng iba sa salitang “isyu” ay isang usapin o “tsismis” na wala namang katotohanan. Sa isang aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng Baitang 10, ang salitang isyu ay nangangahulugang isang mahalagang katanungan na may higit sa isang magkakasalungat na kasagutan. Parang pagkakaiba sa opinyon at paniniwala.
Ilan sa mga isyung moral tungkol sa buhay ay pagpapatiwakal, paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pakikipagtalik bago ang kasal, alkoholismo, at euthanasia. Sa mga isyung iyan, nais kong talakayin ang tungkol sa euthanasia. Euthanasia? Ano ba yun?
Playing God, Mercy Killing, Assisted Suicide, o pagkitil sa buhay ng isang taong may malubhang karamdaman at wala ng lunas. Sa ganitong gawain, pinapadali ang buhay ng isang tao para “daw” hindi na ito mahirapan. Matitigil na ang paghihirap ng tao sa pakikipaglaban sa kanyang sakit. Hindi na rin mahihirapan sa pag-aalaga sa kanya ang kanyang mga mahal sa buhay, at higit sa lahat, hindi na mabubutas ang bulsa sa pagbili ng mga napakamamahal na gamot upang madugtungan pa ang buhay nila. Wala ng sakit, wala ng paghihirap, wala ng gastos.. Pero, wala na rin ang buhay.. Mawawala na ang buhay na ayaw pa sanang mawala. Sino ba naman ang may gustong mawalan ng mahal sa buhay. Sigurado akong wala! Wala...
Kung ikaw ang nasa sitwasyon sa ibaba, ano kaya ang iyong gagawin?
Sitwasyon:
Malubha ang sakit ng iyong nanay. Lagi mo na lang siyang nakikitang nahihirapan at nasasaktan dahil sa kanyang malubhang karamdaman. Hindi na nakakausap, nakahimlay sa higaan ng kamatayan. Sinabi ng doktor na siya ay nabubuhay na lamang dahil sa mga aparatong nakakabit sa kanyang katawan at sa mga mamahaling gamot na dumaraan sa tubong nagdurugtong sa kanyang buhay. Parang lantang gulay. Bukod pa doon, Malaki na din ang nagagastos ng iyong pamilya sa pagpapagamot sa kanya. Malapit na kayong mabaon sa utang.
Ahhhhh….!! Talaga nga namang napakahirap mamili sa sitwasyong nabanggit. Pero sa pagkakaalam ko, ito ay napakalaking kasalanan sa Diyos. Walang sinuman ang pwedeng kumitil sa buhay ng kapwa, ano pa man ang iyong dahilan. Sa Kanya ito nagmula, Siya lang ang may karapatang kumuha nito.
Para sa iyo, Euthanasia – tsek o ekis?
Isa itong malaking ekis. Ang buhay ng tao ay isang napakahalagang biyaya na binigay ng Diyos. May nakalaan na mga pagsubok sa bawat isa sa atin na mga pinagkalooban nito. Kasama na nga dito ang pagkakaroon ng karamdaman. Walang magiging sapat na dahilan upang kumitil ng isang buhay. Lalo na at sa kapamilya mo pa manggagaling ang desisyon na ito. Bakit mo iisipin ang gastos? Kailan ma'y walang pera ang sasapat na kapalit sa buhay ng tao. Hindi ba't ginawa ang aparato na ito upang masuportahan at maipagpatuloy ang buhay ng isang taong nanganganib nang mamatay? Ito rin ba ang gagamitin natin para mawakasan iyon?
ReplyDeleteAng pagkitil ng ibang buhay ng tao ay isang malaking ekis, lalo na kung walang pahintulot. Pero para sakin kung titingin tayo sa realidad ng buhay hindi na siguro natin maiisip yung ganyang bagay, kundi ang nasa isip natin ay yung mapapabuti sya at di na nating makikitang nahihirapan at nasasaktan sya. Kaya para sakin mas pipiliin kong makitang di na nahihirapan, nasasaktan, at di na nakahiga sa kamatayan.
ReplyDeleteEkis. Ang pagkitil ng buhay ng tao ay masama at ipinagbabawal sa batas ng diyos at tao. Ngunit kung ang mismong tao na may sakit ang humihiling, wala rin namang magagawa ang pamilya niya kundi tuparin ang huling kahilingan ng taong may malubhang sakit.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteEkis po para sakin. Dahil Diyos lamang po ang may karapatang bumawi ng ating hiram na buhay. Kung malagay man po sa gantong sitwasyon ay dapat humingi sa Diyos ng karampatang Karunungan para sa magiging desisyon.
ReplyDeleteEkis. Ang euthanasia ay hindi dapat kinauugaliang gawin, dahil tayo ay may karapatang mabuhay. Ang euthanasia ay tulad din ng sadyang pagpatay ng tao, tanging ang Diyos lamang ang may karapatang bumawi ng buhay ng isang tao.
ReplyDeleteTSEK! ✔
ReplyDeleteMercy killing, ito 'yun 'diba? Kung 'di lang ako nagkakamali. Tinatamad kasi ako mag google search e, pero palagay ko naman, tama ako.
Ito 'yung ginagawa kapag tipong sa tingin nila e wala na talagang pag-asa 'yung pasyente. 'Yung tipong, makina nalang talaga ang nagpapatibok ng puso n'ya, at hindi 'yung babaeng mahal n'ya.
Sa tingin ko, tama 'to. Pabor ako dito…. kung kinunsidera ng taong naghihingalo o naipaalam n'ya sa in'yo na kapag nangyari sa kanya ang mga gan'on bagay ay pwede n'yong gawin sa kanya 'yung mercy killing na 'yon. Kung may permiso ng taong sangkot, bakit hindi at kung kaya n'yo pa ang mga bayarin sa ospital, patulan n'yo 'yung bills.
Pero kung walang-wala kayo, at isa lang kayong pamilyang 'di kayamanan o may kaya lang, pwede n'yo rin sigurong gawin 'to. Kayo ang nakakaalam nito. Pero para sa'kin, okay lang 'to.
Naiisip mo ba 'yung kamag-anak mo na sobrang hirap ng makipag-espadahan kay kamatayan at ilang beses na s'yang nasaksak sa puso, pero pinipilit n'ya pa rin dahil ayaw n'yo s'yang bitiwan? Naiisip mo rin ba 'yung nagniningning na hospital bills na babayaran n'yo pagkatapos ng matagal na pagkaka-confine n'ya, pero sa huli, ay wala na rin pala?
Sa mga ganitong panahon, maging praktikal tayo, pero hindi sa lahat ng bagay. Ilugar natin ang pagiging praktikal. Ang akin lang, pabor ako dito, dahil mas mahihirapan 'yung pasyenta at ang mga bulsa’t puso n'yo kung makita n'yong 'di n'ya na kaya’t wala na rin kayong pera. Mas masakit 'yon!
TSEK! ✔

Para sa akin ito ay isang EKIS sapagkat ang buhay nating mga tao at isang mahalagang biyaya mula sa Panginoon n tanging siya lamang ang maaaring bumawi. Sino ba tayo upang bawiin ang bagay na ito? Maaaring oo nauubusan na tayo ng lakas ng loob at higit sa lahat pera upang tustusan ang pangangailangan sa pagpapagamot ng mahal natin sa buhay ngunit dapat bang gawin itong dahilan upang wakasan ang kanilang buhay? Hindi ba natin nais na mas makasama pa sila nang mas matagal kahit na alam nating mahirap. Pilitin natin hanggat kaya natin na masalba pa ang kanilang buhay. Sabi nga diba " Habang may buhay may pag-asa" Magtiwala tayo. Magtiwala tayo sa panginoon na hindi niya tayo pababayaan nang sa gayon ay hindi tayo magsisi sa bandang huli.
ReplyDelete